Seminarista lunod; pari nakaligtas
September 19, 2004 | 12:00am
Bula, Camarines Sur Isang seminarista ang hindi na umabot pa ng buhay sa Bicol Medical Center matapos na malunod habang masuwerte namang nakaligtas ang paring kasama nito nang aksidenteng tumaob ang sinasakyan nilang bangka habang naglalayag sa ilog ng Pawili sa Brgy. Umbao ng bayang ito kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Joseph Parpan, isang seminarista at residente ng Brgy. San Franciso, Nabua, Camarines Sur habang ang paring nakaligtas ay nakilala naming si Rev. Fr. Danilo Trajano, Parish Priest ng St. Vincent Ferrer Parish Church. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 3:15 ng hapon habang ang dalawa ay nakasakay sa isang bangka pabalik sa St. Vincent Ferrer Parish Church nang pasukin ng tubig ang bangka hanggang sa lumubog. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat ni Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest