Ang kaso ay nag-ugat matapos na ibigay ng PPA ang nasabing proyekto sa Sargasso Construction & Development Corp. Pick and Shovel Inc. at Atlantic Erectors Inc. upang pagandahin ang nasabing port at reclamation project na mayroong sukat na 4,280 square meters.
Ipinaliwanag ng SC na dapat muling ibalik ang kaso ng PPA sa CA dahilan na rin sa late filing ng usapin.
Noong 1993 ng sisimulan ang reclamation project ay bigla na lamang umanong hindi inaprubahan ng PPA Board of Directors ang nasabing proyekto kung kayat nagsampa ng reklamo sa Manila Regional Trial Court ang naturang kontraktor.
Nabatid na sa halip na i-award sa Sargasso Construction ang paggawa sa reclamation project ay hindi ito inaprubahan ng Assistant Manager ng PPA na pinagmulan ng gusot na umabot sa korte. (Ulat ni Grace de la Cruz)