^

Probinsiya

Petisyon ng PPA ipinasa ng SC sa CA

-
Dahil sa teknikalidad, ibinalik ng Supreme Court (SC) sa Court of Appeals ang petisyon ng Philippine Ports Authority (PPA) kaugnay ng usapin sa P30-M reclamation project nito sa San Fernando, La Union port.

Ang kaso ay nag-ugat matapos na ibigay ng PPA ang nasabing proyekto sa Sargasso Construction & Development Corp. Pick and Shovel Inc. at Atlantic Erectors Inc. upang pagandahin ang nasabing port at reclamation project na mayroong sukat na 4,280 square meters.

Ipinaliwanag ng SC na dapat muling ibalik ang kaso ng PPA sa CA dahilan na rin sa late filing ng usapin.

Noong 1993 ng sisimulan ang reclamation project ay bigla na lamang umanong hindi inaprubahan ng PPA Board of Directors ang nasabing proyekto kung kaya’t nagsampa ng reklamo sa Manila Regional Trial Court ang naturang kontraktor.

Nabatid na sa halip na i-award sa Sargasso Construction ang paggawa sa reclamation project ay hindi ito inaprubahan ng Assistant Manager ng PPA na pinagmulan ng gusot na umabot sa korte. (Ulat ni Grace de la Cruz)

ASSISTANT MANAGER

ATLANTIC ERECTORS INC

BOARD OF DIRECTORS

COURT OF APPEALS

DEVELOPMENT CORP

LA UNION

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

PICK AND SHOVEL INC

SARGASSO CONSTRUCTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with