^

Probinsiya

Mamumugot na Sayyaf nasakote

-
ZAMBOANGA CITY — Tatlong taon ang lumipas bago nadakip ang isang kasapi ng grupong Abu Sayyaf na pumugot sa 11 magsasaka sa Basilan makaraang makorner ang una ng mga kagawad ng pulisya sa liblib na bahagi ng Tipo-Tipo malapit sa bayan ng Lamitan, ayon sa ulat kahapon.

Kasalukuyang nakapiit sa Basilan Provincial Police sa Isabela, Basilan ang suspek na si Domingo "Gol" Ramos, 67, tauhan ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffi Janjalani.

Base sa record ng pulisya, si Ramos ay may nakabinbing 11 warrant of arrests sa kasong 11 counts ng murder sa Sitio Balobo, Lamitan, Basilan.

Karamihan sa mga naging biktima ni Ramos ay pawang magsasaka at kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Sinabi ni P/Supt. Bensali Jabarani, Basilan provincial commander, ang suspek ay may kinaharap din tatlong counts ng kidnapping at 1 count ng rape may tatlong taon na ang nakalilipas. (Ulat ni Roel D. Pareño)

ABU SAYYAF

BASILAN

BASILAN PROVINCIAL POLICE

BENSALI JABARANI

CITIZEN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

KHADAFFI JANJALANI

LAMITAN

RAMOS

ROEL D

SITIO BALOBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with