19 baliw nakatakas
September 17, 2004 | 12:00am
PILI, Camarines Sur Aabot sa labinsiyam na akusado sa ibat ibang krimen na hindi na maaaring iselda dahil napatunayang baliw ang nakatakas mula sa Don Susano Mental Hospital kamakalawa sa Barangay Cadlan ng naturang lalawigan.
Kabilang sa nakapugang baliw ay nakilalang sina: Salvador Rodriguez, Joel, Evangelista, Henry Monasterial, Elmer Moises, Loreto Legson, Nestor Ganalon, Gesty Gatias, Armando Lirio, Jesus Grueso, Nestor Balbin, Roberto Abengosa, Ariel Pajarira at Asterio Monida. Hindi naman nabatid ang mga pangalan ng anim.
Napag-alamang ang mga nakapuga ay napatunayang may kapansanan sa pag-iisip at hindi maaaring iselda; bagkus, ay dinala sa nasabing ospital habang dinidinig ang mga kaso sa korte.
Base sa record ng pulisya, ang mga pumugang baliw ay may mga kasong murder, homicide, robbery with arson, pagnanakaw at illegal possession of deadly weapon.
Sa inisyal na imbestigasyon, naitala ang pagpuga dakong alas-9 ng gabi matapos na lagariin ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kuwarto.
Nadiskubre ang insidente makaraang bumisita ang isa sa attendant ng ospital sa kinalalagyan ng 54- baliw na akusado kabilang na ang mga nakapuga.
Lima naman sa pumuga ay narekober na ng pulisya habang tinutugis pa ang nalalabing baliw na posibleng maghasik ng karahasan sa naturang bayan.
May posibilidad naman masibak sa puwesto ang mga guwardiyang naging pabaya sa nasabing ospital kaya nakataks ang labinsiyam na baliw. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest