^

Probinsiya

5 kidnaper nasakote

-
Dahilan sa pagtawag sa Police Hotline 117, limang kidnaper kabilang ang dalawang sundalo na responsable sa pagdukot sa isang guro ang nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Butuan City, Agusan del Norte kahapon.

Ang biktimang si Catalina Colaste, 44, ay nasagip ilang oras matapos na ito ay dukutin. Nakilala naman ang mga nadakip na suspek na sina Privates First Class Eripe Plana ng Army’s 58th Infantry Battalion at Alexander Lufrangco ng Army’s 30th Infantry Battalion; Jun Torralba, Emilio Sinag at Julito Andel.

Batay sa ulat, ang biktima ay kinidnap ng mga suspek habang naglalakd sa kahabaan ng commercial area ng Burgos St. dakong alas-12:45 ng tanghali kahapon.

Mabilis namang tumawag sa police hotline ang ilang mga concerned citizen at inireport ang pagdukot sa biktima.

Ang mga kidnaper ay nasakote matapos ang ilang minutong habulan na nagresulta sa ligtas na pagkakabawi sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALEXANDER LUFRANGCO

BURGOS ST.

BUTUAN CITY

CATALINA COLASTE

EMILIO SINAG

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

JULITO ANDEL

JUN TORRALBA

POLICE HOTLINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with