Carnap, drug leader tinodas
September 16, 2004 | 12:00am
CAVITE Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang karnap, drug leader ng nag-iisang lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng grupong vigilante habang ang biktima ay naglalakad sa madilim na bahagi ng Sitio Tulao, Barangay Calsadang Bago II, Imus, Cavite kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ryan Obispo, 24, ng Barangay Malagasang 1-A ng nasabing bayan.
Napag-alaman pa sa ulat, na si Obispo na may nakabimbing warrant of arrest ay lider ng kilabot na sindikatong "Epot Gang" at lumilinya na rin sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na droga sa buong Cavite at karatig pook.
Nabatid na ang nasabing grupo ay nasa talaan ng pulisya bilang organized crime group na sangkot sa serye ng karnaping sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon, si Obispo ay pinagbabaril dakong alas-5 ng hapon ng hindi kilalang lalaki na may takip ng panyo sa mukha.
Matapos na isagawa ang pamamaslang ay palakad na lumayo ang killer sa pinangyarihan ng krimen na animoy walang nangyari.
Iniwang nakabulagta ang biktima sa madamong bahagi ng nabanggit na barangay.
May paniniwala rin ang pulisya na itinumba si Obispo ng isa sa kanyang kasamahan dahil sa onsehan sa partihan. (Ulat nina Cristina G. Timbang At Rene M. Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest