34 pekeng pulis nalansag
September 14, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Nalansag ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya ang notoryus na sindikato ng mga pekeng kagawad ng pulisya kasabay nang pagkakaaresto sa 34-katao kabilang ang lider ng grupo sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City kamakalawa.
Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ng Philippine Marines, kinilala ang nasakoteng lider ng grupo na si Satar Ungged habang ang kanang kamay naman nito ay si Nur Kashim, wanted sa kasong murder.
Nabatid na bandang alas-10 ng umaga nang salakayin ng mga tauhan ng Zamboanga City Police, Marine Battalion Landing Team (MBLT) 11 na binaback-up- ng mga armored operatives mula sa Task Force Zamboanga ang hideout ng mga suspek sa Brgy. Arena Blanco, Zamboanga City.
Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ang mga suspek ay kasapi ng H-World Organization na pinamumunuan ni Kashim na nagpapanggap na kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang M16 rifles, 3 garand rifles, 3 caliber .45 pistol, dalawang hand grenades, dalawang rifle grenades, sari-saring mga bala at isang matalim na itak.
Nakuha rin mula sa pag-iingat ng mga ito ang 34 piraso ng kuwestiyonable at pinekeng dokumento ng PNP-CIDG. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest