2 suspeka sa Davao masaker., tiklo
September 13, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Bumagsak sa mga elemento ng pulisya ang magkapatid na pangunahing suspek sa pagmasaker sa 4 na miyembro ng isang pamilya sa Davao City habang tatlo pa ang nasa kritikal na kondisyon sa isinagawang operasyon sa General Santos City kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Kimkim at Jhong Jhong Balanay; pawang menor-de-edad at umanoy kamag-anak pa ng mga biktima.
Ang mga ito ay nasundan ng mga elemento ng Davao City Police sa tulong ng ilang tipster mahigit isang araw matapos maganap ang krimen noong Biyernes ng gabi sa bahay ng mga biktima sa kalye Cariñosa, Lanzona Subdivision, Matina District, Davao City.
Narekober mula sa pag-iingat ng mga suspek ang pera at mga ATM cards na pag-aari ng mga biktima.
Ang mga suspek ay iniharap ng pulisya kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isang press briefing kahapon.
Ang mga suspek na itinuro ng survivor at testigong si Angeline Cabrera na siyang pumalo ng tubo hanggang sa mapatay ang mga biktimang sina Diosdado Lacorte, asawa niyang si Belinda at anak na si Kenneth. Natagpuan din sa bahay ang bangkay ni Julius Villarmea na pinaniniwalaang kaanak ng pamilya.
Samantala, agaw-buhay sa Davao Doctors Hospital sina Grace Hashiyugutzi, ang asawa niyang Hapones na si Tomutso at Ma. Carla Beatriz Villarmea.
Sinabi ng mga imbestigador na namatay sa palo ng tubong bakal ang mga biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ay lumitaw na nag-ugat ang pamamaslang sa away ng magkakamag-anak. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest