Diakono ng INC nilikida

NUEVA ECIJA – Isang 65-anyos na lalaki na pinaniniwalaang diakono ng Iglesia ni Cristo (INC) ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagbibisikleta mula sa sambahan kasama ang dalawang anak sa Barangay Tagpos, Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Huwebes ng gabi. Napuruhan ng dalawang bala ng baril sa noo at tiyan ang tumapos sa buhay ni Mario Hidalgo Jr. ng Barangay Sta. Arcadia, Cabanatuan City. Nabatid na ang biktima ay kalalabas ng kanilang sambahan at papauwi na nang lapitan ng dalawang naka-motorsiklo saka isinagawa ang krimen. Kasalukuyan namang inaalam ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments