3 kotongerong BI, tiklo
September 12, 2004 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Kalaboso ang tatlong lalaki na nagpakilalang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) makaraang kikilan ng P1-milyon ang tatlong negosyanteng Bombay sa isinagawang entrapment operation ng pulisya sa Brgy. San Roque ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.
Ang mga suspek ay nakilalang sina: Romy Morales, 45, Reynaldo Roces, 52, at Mateo Cortez, 56, pawang nakatira sa Sta. Cruz, Maynila.
Nakatakdang kasuhan ng robbery/hold-up, usurpation of authority at illegal possession of deadly weapon makaraang hingan ng P1 milyon ang mga biktimang sina: Jasvir Singh, 23; Lakhvir Singh, 24; at Bulbir Singh, 33, pawang residente ng Zapanta Compound, Brgy. San Roque ng lungsod na ito.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek dakong alas-4 ng hapon makaraang magsagawa ng entrapment operation ang mga kagawad ng Antipolo police.
Nauna rito, pumunta ang mga suspek sa bahay ng mga biktima noong Miyerkules ng umaga upang humingi ng P1 milyon kapalit ng kanilang patuloy na pagtira sa bansa.
Pumayag naman ang mga biktima, subalit nakiusap ang mga ito sa mga suspek na balikan sa hapon ng Sabado dahil mag-iipon pa sila ng pera.
Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nakipag-ugnayan pala ang mga Bombay sa Antipolo police at isinagawa ang entrapment operation.
Kinukumpirma pa ng mga awtoridad kung tunay na mga ahente ng BI ang mga suspek. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended