2 kawal patay sa sagasa
September 12, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY Dalawang kawal ng pamahalaan ang namatay habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos na kaladkarin ng isang Nissan Terrano ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng Diversion Road na sakop ng Barangay Domoit sa lungsod na ito, kahapon ng madaling-araw.
Ang mga biktima na nagkalasug-lasog ang katawan at agad na namatay sa pinangyarihan ng aksidente ay nakilalang sina: SSgt. Johnny San Luis at TSgt. Jose Losanta. Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa V. Luna Hospital sa Quezon City sanhi ng mga sugat sa katawan si TSgt. Angelito Loñosa, 42, may-asawa at pawang nakatalaga sa Dental Clinic, Solcom, Camp Nakar.
Sa imbestigasyon ni PO2 Arthur Javier, may hawak ng kaso, dakong alas-2 ng madaling-araw ay sakay ng motorsiklo ang mga biktima at patungo sa Camp Nakar.
Nag-overtake sa motorsiklo ang isang Nissan Terrano na kulay pula at patungo sa direksyon ng Pagbilao, Quezon, subalit sumabit ito sa unahang gulong na nagresulta ng pagtumba ng motorsiklo.
Nakaladkad pa ng ilang metro ng kotse ang motorsiklo na naging dahilan ng pagkamatay ng dalawang sundalo.
Tumakas ang drayber ng kotse makaraan ang aksidente at di-natukoy ng mga awtoridad ang plate number. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 3 hours ago
By Cristina Timbang | 3 hours ago
By Tony Sandoval | 3 hours ago
Recommended