Kabilang sa brutal na pinatay sa palo at saksak ng patalim ay nakilalang sina: Diosdado Lacorte, asawang si Evelyn, apong si Kenneth, 10, at pamangking si Julius Vilnarlia.
Ginagamot naman sa Davao Doctors Hospital ang nasa kritikal na kondisyong sina: Grace Lacorte, asawang Hapones na si Tamato Haseguchi at kamag-anak na si Carmela Villarim.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek na pinaniniwalaang lango sa droga habang nagsasagawa ng operasyon para mapadali ang pagdakip.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame na isinumite ni P/Supt. Conrado Lasa, kumander ng Davao City police station, naitala ang insidente bandang ala-una ng madaling-araw sa bahay ng mga biktima sa Carinosa Street, Lasona Subdivision, Davao City.
Base sa ulat, sinamantala ng mga suspek ang mahimbing na pagkakatulog ng mga biktima bago isagawa ang karumal-dumal na krimen.
Napag-alaman pa sa ulat na ginamit ng mga killer ang bakal na hawak para paslangin ang mga biktima.
Hindi naman isinaisantabi na pagnanakaw ang isa sa pangunahing motibo ng krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)