^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Ambush: Ex-councilor patay ZAMBOANGA CITY – Tinambangan at napatay ang isang dating konsehal ng Basilan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmomotorsiklo sa liblib na bahagi ng Sitio Sangkian, Upper Kabembeng, Sumisip, Basilan kamakalawa ng hapon. Tadtad ng tama ng bala ng baril ang katawan ni Jay Como, ex-councilor sa bayan ng Sumisip, samantalang ang kasama nitong si Mohammad Hussein ay malubhang nasugatan. May teorya ang pulisya na matinding alitan ang isa sa naging motibo ng krimen na naganap dakong alas-3:30 ng hapon. (Roel Pareño)
Trader itinumba sa dental clinic
BULACAN – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 49-anyos na trader ng tatlong hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nakatayo sa harapan ng dental clinic na sakop ng Barangay Cruz na Daan, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi. Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Felix Visconde ng Barangay Bagong Barrio matapos na upakan ng nakamotorsiklong lalaki dakong alas-10 ng gabi. Sa imbestigasyon, lumilitaw na nilapitan ng mga hindi kilalang lalaki ang biktimang nakatayo lamang sa naturang lugar at kasabay nito ay tatlong putok ng baril ang umalingawngaw. Wala pang malinaw na dahilan ang pulisya kung ano ang motibo ng krimen. (Efren Alcantara)
2 ‘tulak’ nilikida sa Batangas
Dalawang lalaki na pinaniniwalaang inaakusahang tulak ng droga ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa magkahiwalay na barangay sa Batangas kamakalawa. Base sa ulat ng pulisya, si Rommel "Rigor" Alisuag, 32, ng Barangay Poblacion West, Alitagtag, Batangas ay pinagbabaril habang naglalakad sa kahabaan ng Barangay Maguihan, Lemery, Batangas at idineklarang patay sa Casaysay Medical Hospital. Samantalang si Istanislao Rosales, 41, ay binaril sa loob ng palikuran ng kanilang bahay sa Barangay San Martin, Zone 11, Taal, Batangas. Malaki naman ang paniniwala ng mga awtoridad na onsehan sa bentahan ng droga ang isa sa motibo ng krimen. (Ed Amoroso)
Mister todas, mag-ina grabe sa dinamita
CAMP CRAME — Binawian ng buhay ang isang 50-anyos na mister samantalang ang kanyang mag-ina ay malubhang nasugatan makaraang sumabog ang pulbura ng dinamita na ginagamit sa pangingisda kamakalawa sa Barangay Makiri, Zamboanga City. Hindi na umabot pa ng buhay sa Zamboanga City Medical Center si Sukano Hajula, habang ginagamot naman ang mag-inang Erika Hajula, 22 at Baby Jing, tatlong buwang sanggol. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, aksidenteng napukpok ang isinasaling pulbura ni Sukano sa botelya kaya lumikha ng siklab at biglang sumambulat. (Joy Cantos)

BABY JING

BARANGAY

BARANGAY BAGONG BARRIO

BARANGAY CRUZ

BARANGAY MAGUIHAN

BARANGAY MAKIRI

BARANGAY POBLACION WEST

BARANGAY SAN MARTIN

BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with