Duwelo: Magtiyuhin dedo
September 11, 2004 | 12:00am
LUPAO, Nueva Ecija Dahil lamang sa pagtatalo sa kung sino ang magsasara ng gate bago matulog isang magtiyuhin ang nagduwelo at kapwa namatay sa Barangay Bagong Flores ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina: Mark Glen Quisa y Laurean, 20, binata, matadero; at ang kanyang tiyuhin na si Crisanto Lacaba y Austria, 37, jeepney driver, kapwa residente ng Barangay Flores, dito.
Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-8 ng gabi kamakalawa, masayang nag-iinuman ng alak ang dalawa nang mapadako ang kanilang kuwentuhan sa kung sino sa kanila ang dapat magsara ng gate sa compound na kanilang tinitirhan.
Kapwa hindi nagustuhan ng isat isa ang ibig mangyari hanggang kapwa umuwi sa kanilang bahay ang dalawa. Nabatid na kinuha ni Lacaba ang kalibre .38 baril habang kinuha naman ni Quisa ang kutsilyo na kanyang pangatay ng baboy.
Dahil sa hiram na tapang mula sa alak, naganap ang duwelo, nakauna si Quisa sa pagsaksak ng dalawang beses sa dibdib ng kanyang tiyuhin.
Tumakbo naman upang makapagtago si Quisa subalit hinabol ito ng duguang si Lacaba at doon nabaril ang pamangkin sa gawing kanang tenga nito. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended