Barangay chairman nilikida
September 8, 2004 | 12:00am
BATAAN Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nakatayo sa harapan ng bahay ng kaibigan sa Purok IV, Barangay Magsaysay Dinalupihan, Bataan kahapon.
Walang buhay na iniwan ang biktimang si Rolando Rivera, may asawa at residente ng nabanggit na barangay matapos na upakan ng dalawang putok ng baril sa ulo at katawan na ikinasawi nito.
Ayon kay P/Chief Insp. Rommel Velasco, hepe ng Dinalupihan PNP, dakong alas-3:50 ng hapon nang lapitan ng mga rebelde ang biktimang nakatayo at nakikipag-kuwentuhan sa kaibigan.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo ng krimen. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest