Kasalukuyan naman naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina: Antonio Soriano, 31; Gerik Losano, 19; Alfredo Lagatao, 28; Anolina Soriano, 30 at Junito Luyao na pawang naninirahan sa Northern Samar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 20 kilo ng Garupal shampoo, 1,500 botelya na ginagamit sa pekeng shampoo, isang dram ng likidong shampoo at 300 pirasong narepak na pekeng shampoo.
Ayon kay P/Senior Supt. Guillermo "Gil" Paguio, provincial director ng Albay, may isang linggo na rin tinitiktikan ang mga suspek at matapos na makumpirma ang modus operandi ay agad na sinalakay ang naturang lugar.
Base pa sa ulat ng pulisya, ang grupo ng mga suspek ay mula pa sa Metro Manila at naging mainit sa paningin ng mga awtoridad kaya lumipat sa nasabing bayan.
Napag-alaman pa sa ulat na may dalawang buwan na ang operasyon ng mga suspek at posibleng marami nang naibentang mga pekeng shampoo sa karatig barangay. (Ulat ni Ed Casulla)