Cafgu nag-amok: Misis todas, 2 grabe
September 7, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Isang misis ang iniulat na nasawi habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang maghuramentado at mamaril ang isang kawal ang CAA sa Liloy, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.
Sapol sa dibdib at sikmura ang biktimang si Lorna Alcosen, samantalang malubhang nasugatan ang anak ni Lorna na si Christopher at ang sibilyang si Bestordo Magtagad, 65, may asawa at residente ang Barangay Compra.
Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Hassans Luntua, may asawa, kasapi ng CAFGU Active Auxlliary (CAA) na nakabase sa Barangay Limbungan, Salug, Zamboanga del Norte at residente ng Sitio Mucas, Barangay Kayok ng nabanggit na munisipalidad.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang insidente dakong alas-4:20 ng hapon sa loob ng 38th CAFGU Detachment ng nabanggit na barangay.
Bago maganap ang pamamaril ay inatasan ni Army Staff Sgt. Emiliano Samaguio, ang suspek na mag-ulat sa nasabing kampo para sa mahalagang misyon.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad na inagaw ng suspek ang baril ni Alberto Alcosen na mister ng nasawing biktima, saka walang habas na nagpaputok sa direksyon ng mga kapwa sundalo hanggang sa tamaan si Lorna na ikinasawi nito at tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended