^

Probinsiya

Nene ni-rape saka sinunog

-
CALASIAO, Pangasinan – Karumal-dumal na krimen ang ginawa laban sa isang anim na taong gulang na batang babae na brutal na pinagsasaksak hanggang sa mapatay matapos na halayin ay sinunog pa ng isang dating barangay tanod na pinaniniwalaang adik sa droga kamakalawa ng gabi sa Sitio Bacayao, Barangay Nalsian ng nasabing lugar.

Walang saplot at sunog ang katawan nang matagpuan ang biktimang si Angelika Garcia, grade one pupil sa Nalsian Elementary School.

Kasalukuyan naman naghihimas ng rehas na bakal at pormal na kakasuhan ang 33-anyos na si Fabian Romero.

Napag-alaman sa record ng pulisya, si Romero parolado sa pagkakapatay kay Eduardo dela Torre noong nakalipas na taon.

Nabatid na hinahanap ng sariling ina ang biktima simula pa noong Linggo ng gabi dahil sa hindi umuwi sa bahay.

Agad na nagpasama ang ina sa ilang kapitbahay upang hanapin ang nawawalang anak hanggang sa may mamataang nasusunog na bagay at umalingasaw ang masangsang na amoy.

Dito nadiskubre ang katawan ng biktima na nasusunog at may mga saksak sa katawan. May palatandaan din na pinahirapan at hinalay ang biktima.

Sa ulat na isinumite kay Chief Inspector Policarpio Cayabyab Jr., hepe ng pulisya sa nasabing bayan, huling namataang buhay ang biktima na nakatayo sa gilid ng bahay ng suspek kaya agad na tinungo ng mga awtoridad ang nasabing lugar.

Nakuha sa loob ng bahay ni Romero ang ilang pirasong ebidensya na magdidiin sa kanya, maliban pa sa testimonya ng mga testigo.

Kabilang sa nadiskubreng ebidensya ay ang anim na pulgadang patalim na may bahid ng dugo at sunog na damit ng biktima na may mga patak ng dugo. (Ulat ni Eva Visperas)

vuukle comment

ANGELIKA GARCIA

BARANGAY NALSIAN

CHIEF INSPECTOR POLICARPIO CAYABYAB JR.

DITO

EDUARDO

EVA VISPERAS

FABIAN ROMERO

KABILANG

NALSIAN ELEMENTARY SCHOOL

SITIO BACAYAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with