Sa ulat ni SFO3 Rolando Pagunsan, nagsimula ang sunog dakong alas-11 ng gabi noong Sabado, subalit naapula lamang kahapon ng umaga.
"Gawa lamang sa semi-conrete na materyales. Magkadikit lang ang mga nasunog na gusali kaya madaling lumaki at mahirap patayin ang apoy." dagdag pa ni Pagunsan.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog at aabot naman sa P7.2-milyong ang naapektuhang negosyo, subalit posibleng umabot sa P10-milyon ang ari-ariang tinupok ng apoy dahil sa dalawa sa apat na pangkalakal na gusali ay office supplies at videohan ang negosyo.
Kabilang sa gusaling tinupok ay ang Marbel Top Commercial na pag-aari ng Tsinoy trader na si Agnes La-Cordero at ang Video City na minamantine ni Deo Peter Freno.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa gusali ang Marbel Top Commercial at kasalukuyan pa rin sinisiyasat ang insidente. (Ulat ni Ramil Bajo)