Sa resolusyong nilagdaan nina Commissioners Florention Tuazon Jr., Mehol Sadain at Manuel Barcelona Jr. ng Pangalawang Division ng Comelec , sinabi ng mga ito na dahil sa kawalan ng interes at hindi pagsunod sa mga obligasyon ng nagreklamo na ipagpatuloy ang kaniyang protesta.
Agad namang pinasalamatan ni Singson ang Comelec dahilan aniya maski na noong una pa man ay naniniwala siyang walang patutunguhan ang protesta ni Rafanan dahilan napakalinis at tahimik naman ng eleksiyon sa kanilang lalawigan.
Si Singson ay nanalo ng malaking bilang laban kay Rafanan na dati niyang tauhan noong ito ay kasalukuyan pang broadcaster pa lamang sa kanyang radyo at maging noong siya ay isa pa lamang bokal.
Subalit biglang nilabanan ni Rafanan si Singson ng piliin ng huli si Deogracias Savellano na kandidato nitong gobernador noong 2001 election.
Matatandaan na si Singson ay naging tanyag matapos ang walang pangingimi nitong pagbubunyag na si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada ay isang "King of Jueteng Lords" na siyang nagbunsod sa impeachment trial hanggang sa mapatalsik ang dating lider ng bansa sa makasaysayang People Power 2. (Ulat ni Myds