Utak sa media slay sumuko
September 4, 2004 | 12:00am
BATANGAS Sumuko sa pamunuan ng National Bureau of Investigation ang pinaghihinalaang mastermind sa pagpatay kay Arnnel Manalo, reporter ng Bulgar at DZRH, kahapon ng hapon.
Iprinisinta ni NBI Director Reynaldo Wycoco sa mga media si Edilberto Mendoza, Association of Barangay Captain president ng Bauan matapos ang ilang buwang pagtatago sa kamay ng batas.
Ayon sa source, nagtago si Mendoza sa Bulacan at Pampanga bago makipag-ugnayan sa GMA-7 para sa kanyang boluntaryong pagsuko, na sinamahan naman ng huli sa opisina ng NBI.
Si Mendoza ay nahaharap sa mga kasong rape at murder na isinampa sa kanya sa Batangas City Regional Trial Court noong 2003. Nagpalabas na ng warrant of arrest laban sa kanya na "no bail recommended" para sa dalawang kaso bago pa siya sumuko.
Siya rin ang pinaniniwalaang nagpapatay kay Arnnel Manalo matapos na ma-identify ng kapatid nitong si Apollo, ang gunman na nakilalang si Michael Garcia na lumalabas na pamangkin at bodyguard ni Mendoza.
Mariin namang itinanggi ni Mendoza ang pagkakasangkot niya sa pagpatay kay Manalo. Aniya, malapit na kaibigan niya si Manalo at hindi niya magagawang ipapatay ito.
Itinuro naman ni Mendoza sa halip ang isang negosyanteng taga-Bauan ang diumanoy may kinalaman sa pagpatay kay Manalo.
Si Arnell Manalo ay konsehal ng Barangay As-Is ay pinagbabaril noong Aug. 5 bandang alas-7:15 ng umaga sa Brgy. Manghinao matapos maghatid ng dalawang anak nito sa eskuwelahan. (Ulat nina Arnel Ozaeta at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended