15-katao grabe sa road mishap

BULACAN – Labinlimang sibilyan ang malubhang nasugatan makaraang banggain ang sinasakyang dyip ng mga biktima ng pampasaherong bus sa kahabaan ng San Jose del Monte-Marilao Road na sakop ng Barangay Sta. Rosa Uno, Marilao, Bulacan kamakalawa. Kabilang sa biktimang ginagamot ngayon sa ospital ay nakilalang sina: Marites Abatayo, Jocelyn Moral, Carmela Lopez, Mederline Ferrer, Anthony Cabling, Reynaldo Tamboy, Wilfredo Gloria, Lilibeth Mohamad, Marites Elcert,Rene Diquatod, Exequiel Alimonia Jr., Dominador Jagnoy, Janice Pareido, Gremor Calleo at ang drayber ng dyip na si Eduardo dela Torre na pawang residente ng San Jose del Monte at Marilao, Bulacan at Valenzuela City. Sa ulat ng pulisya, tumakas naman ang drayber ng bus (CVY-674) na may apelyidong Sales matapos na masalpok ang dyip (PVA-993). (Efren Alcantara)

Show comments