^

Probinsiya

Empleyado itinumba sa mahjongan

-
CAGAYAN – Binaril at napatay ang isang empleyado ng munisipyo ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagma-mahjong kasama ang asawa at ilang kaibigan sa bayan ng Enrile, Cagayan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa batok ang biktimang si Eduard Trinidad na nakatalaga sa opisina ng ingat-yaman sa nasabing bayan. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Rodrigo De Gracia, Cagayan police provincial director, naitala ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa habang naglalaro ng mahjong ang biktima kasama ang kanyang may-bahay at ilang mga kaibigan. Walang kamalay-malay ang biktima nang lapitan ng hindi kilalang lalaki at isagawa ang pamamaslang. Sinisilip ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na krimen. (Victor Martin)

BIKTIMA

BINARIL

CAGAYAN

EDUARD TRINIDAD

ENRILE

NAPURUHAN

RODRIGO DE GRACIA

SINISILIP

VICTOR MARTIN

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with