Mag-asawa nasikwatan ng P1-M

CAVITE – Aabot sa P1-milyong ari-arian at pera ang iniulat na natangay sa mag-asawang doktor makaraang pasukin ang kanilang bahay ng nag-iisang kasapi ng grupong "Salisi" sa Meadowood Subdivision sa Barangay Panapaan 8, Bacoor, Cavite kahapon. Nagreklamo sa himpilan ng pulisya ang mag-asawang sina; Dr. Rey at Theresa Casili ng panulukan ng Daw at Tangile Street sa nabanggit na lugar. Ayon sa pulisya, naitala ang insidente dakong alas-12 ng tanghali matapos na maiwan ang dalawang katulong na babae ng mag-asawa. Sinamantala ng hindi kilalang lalaki ang pagkakataon at nagpakilalang kamag-anak ng mag-asawa hanggang sa maganap ang hindi inaasahan. (Cristina G. Timbang)

Show comments