Magbiyenan tiklo sa buy-bust
September 3, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Nahulog sa kamay ng batas ang magbiyenang itinuturing na notoryus na drug pusher sa isinagawang buy-bust operations ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Sultan Kudarat, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina: Jimmy Gomez, alyas Jimmy, 17, may-asawa, dispatcher at residente ng Simuay, Sultan Kudarat ng nasabing lalawigan at ang biyenan nitong si Bai Karim alyas Bai.
Sa ulat ni PDEA Executive Director General Undersecretary Anselmo Avenido, ang mga suspek ay nasakote sa isinagawang buy-bust operations ng mga elemento ng PDEA Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) bandang alas-2 ng hapon.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang 0.5 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia.
Nabatid na si Gomez ay dati na ring nasakote sa kasong drug pushing noong Oktubre 18, 2003 matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng 100 gramo ng shabu sa isang poseur buyer ng PDEA pero nakalaya rin at isinailalim sa kustodya ng kanyang tiyuhin na si Usman Karim sa kautusan ni Prosecutor Enok Dimraw, Officer-in-Charge, Maguindanao Provincial Prosecutors Office. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended