3 todas sa ambush
August 30, 2004 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlo katao kabilang ang isang pulis at isang sundalo ang nasawi matapos tambangan ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa San Remegio, Antique noong Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina: SPO3 Edgar Catague ng San Remegio police station; Corporal Joselito Otero, Armys 32nd Infantry Battalion (IB) at Militon Fortin, driver ni San Remegio Mayor Elizabeth Coloso.
Nakilala naman ang nasugatan na si PO3 Edgardo Terre na nasa Angel Salazar Memorial Hospital sa bayan ng Sa Jose. Batay sa ulat, naganap ang pananambang sa mga biktima dakong alas-11 ng umaga sa Sitio Igbolo, Brgy. Cabiawan, San Remegio, Antique.
Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay lulan ng owner type jeep ni Coloso upang magresponde sa napaulat na robbery holdup sa Brgy. Bagumbayan nang salubungin ng mga nakaposisyong rebelde.
Pinaniniwalaan namang taktika lamang ng mga rebelde ang pinalitaw na holdapan sa lugar upang tambangan ang mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended