Kinilala ang dalawang nasawing kidnaper na sina: Ali Mustapha at Asman Angas na pawang mga tauhan ng napatay na si Pentagon KFR leader Tahir Alonto.
Gayunman, pansamantalang di muna tinukoy sa ulat ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing militiamen.
Batay sa ulat, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga elemento ng Armys 6th Infantry Division (ID) sa Brgy. Bakat ng nasabing bayan dakong alas-8 ng umaga.
Nabatid na kasalukuyang nagpapatrulya sa lugar ang tropa ng militar nang makasagupa ang may 15 pang armadong grupo ng Pentagon KFR gang.
Sa tala ng militar, ang Pentagon KFR gang ay sangkot sa serye ng kidnap-for-ransom sa Mindanao Region kabilang na ang pagdukot kay Italian priest Fr. Giuseppi Pierantoni noong Oktubre 17, 2001 sa Dimataling, Zamboanga del Sur.
Matatandaan na si Commander Alonto kasama ang may 16 pa nitong tauhan ay napaslang sa air strike operations na inilunsad ng Phil. Air Force (PAF) noong Friday the 13th ng buwang ito sa Salipada Pendatun, Maguindanao.
Nagpapatuloy naman ang crackdown operations ng tropa ng militar laban sa nalalabi pang miyembro ng Pentagon KFR gang. (Ulat ni Joy Cantos)