^

Probinsiya

Pentagon vs militar: 4 patay

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang henchmen ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang at dalawang kagawad ng CAFGU ang napaslang sa engkuwentro makaraang makasagupa ng militar ang grupo ng mga kidnaper sa Sultan sa Barongis, Maguindanao kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawing kidnaper na sina: Ali Mustapha at Asman Angas na pawang mga tauhan ng napatay na si Pentagon KFR leader Tahir Alonto.

Gayunman, pansamantalang di muna tinukoy sa ulat ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing militiamen.

Batay sa ulat, sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga elemento ng Army’s 6th Infantry Division (ID) sa Brgy. Bakat ng nasabing bayan dakong alas-8 ng umaga.

Nabatid na kasalukuyang nagpapatrulya sa lugar ang tropa ng militar nang makasagupa ang may 15 pang armadong grupo ng Pentagon KFR gang.

Sa tala ng militar, ang Pentagon KFR gang ay sangkot sa serye ng kidnap-for-ransom sa Mindanao Region kabilang na ang pagdukot kay Italian priest Fr. Giuseppi Pierantoni noong Oktubre 17, 2001 sa Dimataling, Zamboanga del Sur.

Matatandaan na si Commander Alonto kasama ang may 16 pa nitong tauhan ay napaslang sa ‘air strike operations’ na inilunsad ng Phil. Air Force (PAF) noong ‘Friday the 13th’ ng buwang ito sa Salipada Pendatun, Maguindanao.

Nagpapatuloy naman ang ‘crackdown operations’ ng tropa ng militar laban sa nalalabi pang miyembro ng Pentagon KFR gang. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AIR FORCE

ALI MUSTAPHA

ASMAN ANGAS

COMMANDER ALONTO

GIUSEPPI PIERANTONI

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MINDANAO REGION

SALIPADA PENDATUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with