Barangay chairman itinumba
August 29, 2004 | 12:00am
Nueva Ecija Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay chairman ng dalawang di pa nakilalang salarin na lulan ng isang motorsiklo habang ang biktima ay naglalakad malapit sa gusali ng Iglesia ni Cristo sa Brgy. Bagong Sikat, Talavera, Nueva Ecija kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Chief Insp. Sidney Villaflor, hepe ng Talavera Police Station ang biktima na si Gregorio San Pedro, 39, may-asawa at residente ng Brgy. Homestead 2, Talavera ng lalawigang ito.
Sa paunang imbestigasyon, nabatid na naglalakad ang brgy. chairman nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki.
Ayon sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pangyayari ay nakaganti pa ng putok ang biktima at pinaniniwalaang tinamaan din ng baril ang isa sa mga suspek.
Sa kasalukuyan, dalawang anggulo ang sinisiyasat ng mga awtoridad sa motibo ng pamamaslang sa biktima, una ay posibleng may bahid ito ng pulitika at ikalawa ay iniligpit ang biktima ng mga drug lords na umanoy namumuno sa kanilang lugar sa panghuhuli ng mga drug pusher.
Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kaso. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Artemio Dumlao | 51 minutes ago
By Cristina Timbang | 51 minutes ago
By Joy Cantos | 51 minutes ago
Recommended