2 Cafgu na dinukot ng NPA rebels pinalaya na
August 29, 2004 | 12:00am
Camp Simeon Ola Makalipas ang ilang araw na pagkakabihag , pinalaya na ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang dalawang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na dinukot ng mga ito sa lalawigan ng Albay, ayon sa ulat kahapon.
Ang dalawang pinalayang bihag ay kinilalang sina Allan Madara at Henry Nabor, pawang nakatalaga sa 22nd Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army na nakabase sa Brgy. Taladog, Camalig ng lalawigang ito.
Sinabi ni Brig. Gen. Ramon Santos, Commanding General ng Armys 901st Brigade, sina Madara at Nabor ay pinawalan sa isang liblib na lugar sa Brgy. Lourdes Mayon sa bayan ng Daraga dakong alas 10 ng umaga.
Ayon sa salaysay ng dalawang CAFGU, apat na araw silang naglakbay sa kabundukan ng Albay hanggang sa mapilitan ang mga rebelde na pakawalan sila bunsod ng matinding pressure sa inilunsad na search and rescue operations ng militar.
Matatandaan na ang dalawang CAFGU ay binihag ng tinatayang may 15 rebelde noong nakalipas na Agosto 24 sa bayan ng Camalig. Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing interogasyon sa kanilang kampo ang dalawang CAFGU. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest