Ex-policeman, 1 pa tiklo habang nagrerepake ng shabu
August 29, 2004 | 12:00am
Camp Crame Bagsak kalaboso ang isang dating kasapi ng Philippine National Police (PNP) at kaibigan nitong mangingisda matapos maaktuhan ng mga awtoridad na nagrerepake ng shabu sa isinagawang drug bust operation sa Davao City kamakalawa.
Kasalukuyan ngayong nakapiit sa Sta. Ana Police Precinct ang mga suspek na sina PO1 Dennis Fernando, 37, dating kasapi ng PNP, residente ng Skyline Subdivision, Catalunan Grande ng Davao City at kaibigan nitong si Abuhadi Salawin, 46 anyos.
Nabatid na si Fernando ay kasalukuyan pa lamang nagsasanay sa PNP ng mapatalsik dahilan sa kawalan ng disiplina sa sarili.
Base sa report, ang dalawang suspek ay nasakote ng mga elemento ng Davao City Police sa isinagawang drug bust operation sa tahanan ni Fernando pasado alas-12 ng hatinggabi.
Ang mga suspek ay dinakip sa aktong nagrerepake ng shabu at nasamsam mula sa pag-iingat ng mga ito ang ilang plastic sachet ng nasabing droga, mga drug paraphernalia, wallet na may lamang P6,260 cash na hinihinalang pinagbentahan ni Fernando sa shabu.
Nasamsam naman sa pag-iingat ni Salawin ang isang caliber .38 revolver.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa nasabing mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended