^

Probinsiya

Mister patay, 2 pa sugatan sa palpak na SWAT police

-
Camp Crame – Isang mister ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos na pumalpak sa pagbaril ang isang kasapi ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Cebu City Police nang magresponde sa isang kaguluhan sa lungsod nitong Biyernes ng madaling-araw.

Bagsak kalaboso ang suspek na kinilalang si PO3 Adonis Dumpit, nakatalaga sa Security and Service Group ng Cebu City Police na dinisarmahan rin ng kanyang armas na isang cal. 45 pistol.

Dead-on-arrival naman sa pagamutan ang biktimang tinukoy lamang sa pangalang Boy Tabon, nasa hustong gulang, biyudo at may limang anak kabilang ang isang sanggol matapos na mapuruhan ng tama ng bala sa katawan.

Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Wilson Borja at Rolando Mejarito na kapwa nilalapatan pa ng lunas sa Cebu City Medical Center.

Batay sa report na tinanggap kahapon ni PNP Chief P/Director General Edgar Aglipay ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng madaling-araw sa Pier 4 ng lungsod ng Cebu.

Nabatid na nagresponde sa lugar si Dumpit matapos na makatanggap ng report hinggil sa kaguluhan umano ng nag-aaway na grupo ng mga armadong kalalakihan.

Papalapit pa lamang sa lugar ay agad na nagpaputok ng baril si Dumpit na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

Ang nasabing pulis ay positibong kinilala ng mga kamag-anak ng mga biktima na siyang bumaril sa mga ito. Nakatakda namang sumailalim sa paraffin test si Dumpit upang mabatid kung nagpaputok ito ng baril at susuriin rin sa ballistic test ang kanyang armas. (Ulat ni Joy Cantos)

ADONIS DUMPIT

BOY TABON

CAMP CRAME

CEBU CITY MEDICAL CENTER

CEBU CITY POLICE

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL EDGAR AGLIPAY

DUMPIT

JOY CANTOS

ROLANDO MEJARITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with