Labor organizer ng KMU itinumba
August 28, 2004 | 12:00am
CAMP CRAME Tinambangan at napatay ang isang labor organizer ng militaneng grupo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ng mga hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naghihintay ng masasakyan sa Barangay Dila, Sta. Rosa, Laguna kahapon ng umaga.
Base sa ulat na isinumite ni P/Supt. Eduardo Sangue, police chief ng Sta. Rosa, nakilala ang biktima na si Mely T. Carvajal, KMU provincial labor organizer.
Ayon kay Sangue, kasalukuyang naghihintay ng dyip si Carvajal sa harapan ng kanyang bahay dakong alas-8:30 ng umaga nang hintuan ng naka-motorsiklong kalalakihan at paputukan ng tatlong ulit sa katawan.
Napag-alaman kay Luz Baculo, secretary general ng labor group na ang biktima ay nag-oorganisa ng unyon sa Sta. Rosa Industrial Park bago mapaslang.
Aktibo rin si Carvajal sa pakikipaglaban sa mga pinagtatalunang lupain sa Barangay Pulong, Sta. Cruz, Laguna.
Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa trabaho ng biktima ang naganap na pamamaslang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended