Nananatiling blangko ang tanggapan ni Alcaraz sa pagkawala ng P2.5-milyong imported smuggled cellphone units at bigo paring matukoy ang nasa likod ng mahiwagang pagkawala ng mga kontrabando.
Noong nakalipas na linggo lamang naglaho ang 100 smuggled cellphones sa hindi maipaliwanag na dahilan ilang araw matapos kumpiskahin sa warehouse ng Federal Express (FedEx) ng BoC-Assessment unit dahil sa kawalan ng kaukulang papeles sa pag-import nito mula Thailand.
Nadiskubre lamang ni Customs Assessment Unit chief Ester Nario, ang pagkawala ng 100-unit ng cellphones habang isinasagawa ang imbentaryo.
Sinasabing isang nagngangalang "Oca" na empleyado ng BoC at nakatalaga sa Auction and Disposal Unit (ADU) ang siyang itinuturong nakitang inilalabas mula sa bodega ng CCA ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga cellphone items bago isagawa ang imbentaryo. (Ulat ni Jeff Tombado)