^

Probinsiya

Pagkawala ng 2.5 M smuggled cellphones binaliwala na lang

-
SUBIC BAY FREEPORT – Nagmistulang inutil ang pamunuan ng Bureau of Customs-Port of Subic (BoC-PoS) sa pamumuno ni District Collector Atty. Arnel Alcaraz na maimbestigahan at mabawi ang may 100-unit ng smuggled cellphones na mahiwagang nawala sa warehouse mismo ng Auction and Disposal Unit-Customs Clearance Area (ADU-CCA) ng nasabing kawanihan.

Nananatiling blangko ang tanggapan ni Alcaraz sa pagkawala ng P2.5-milyong imported smuggled cellphone units at bigo paring matukoy ang nasa likod ng mahiwagang pagkawala ng mga kontrabando.

Noong nakalipas na linggo lamang naglaho ang 100 smuggled cellphones sa hindi maipaliwanag na dahilan ilang araw matapos kumpiskahin sa warehouse ng Federal Express (FedEx) ng BoC-Assessment unit dahil sa kawalan ng kaukulang papeles sa pag-import nito mula Thailand.

Nadiskubre lamang ni Customs Assessment Unit chief Ester Nario, ang pagkawala ng 100-unit ng cellphones habang isinasagawa ang imbentaryo.

Sinasabing isang nagngangalang "Oca" na empleyado ng BoC at nakatalaga sa Auction and Disposal Unit (ADU) ang siyang itinuturong nakitang inilalabas mula sa bodega ng CCA ang isang malaking kahon na naglalaman ng mga cellphone items bago isagawa ang imbentaryo. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ALCARAZ

ARNEL ALCARAZ

AUCTION AND DISPOSAL UNIT

AUCTION AND DISPOSAL UNIT-CUSTOMS CLEARANCE AREA

BUREAU OF CUSTOMS-PORT OF SUBIC

CUSTOMS ASSESSMENT UNIT

DISTRICT COLLECTOR ATTY

ESTER NARIO

FEDERAL EXPRESS

JEFF TOMBADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with