Magsasaka tinodas ng kalabaw

CAMARINES NORTE – Imbes na tao ang pumatay sa isang 56-anyos na magsasaka ay mismong alagang kalabaw na nag-amok ang umutas sa biktima makaraang suwagin ng ilang ulit sa Barangay Dogongan, Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Juanito Gacu matapos na magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa matalim na sungay ng alagang hayop. Napag-alamang bago maganap ang insidente ay inawat ng biktima ang kanyang alagang dalawang kalabaw na nag-aaway sa bukid. Agad na itinali ng biktima ang isa sa kalabaw, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nag-amok at sunud-sunod na sinuwag si Juanito hanggang sa mapatay. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments