2 killer ng brodkaster sumuko

CAMP AGUINALDO – Dalawang kalalakihan kabilang na ang barangay chairman na pinaniniwalaang pumaslang sa brodkaster na si Ely Binoya ng Radyo Natin sa General Santos City noong Hunyo 17, 2004, ang sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Malungon, Davao City kahapon. kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga suspek na sina: Ephraim "Toto" Englis, dating kagawad ng pulisya at Alfonso Tuguero, barangay chairman. Napilitang sumuko ang mga suspek kay P/Chief Supt. Antonio Billones, PNP regional director matapos na magpalabas ng warrant of arrest ni Judge Oscar Noel ng GenSan Regional Trial Court Branch 25. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments