Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco, ang mga suspek na sina: Jose Armando Cachuela ng #7 P. Zamora St., Naic, Cavite; Benjamin Julian Ibañez Jr. ng #277 Medicion, Imus, Cavite; Melvin Nabilgas ng # 143 Arche St. Poblacion, Calumpit, Bulacan; at Zalday Gabao ng #4821 Paang Bata St., Moonwalk, Parañaque City.
Kasalukuyan naman tinutugis ang dalawang pang suspek na sina: Ariel Tibayan at Lito Dino.
Ang mga suspek ay sangkot sa pamamaslang kay Rex Dorimon, gun smith ng Weapon System Corp. sa Moonwalk, Parañaque City noong Hulyo 25, 2004.
Matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Atty. Edmund Arugay, hepe ng NBI-NCR, ang pinagkukutaan ng mga suspek ay agad na sinalakay ang naturang lugar noong Agosto 19, 2004.
Sina Melvin at Benjamin ay dinakip sa Imus, Cavite habang si Jose Cahuela naman ay sa Naic, Cavite.
Positibo namang itinuro ni Zaldy Gabao ang tatlong suspek na nanloob sa naturang lugar, subalit binalikan siya ng tatlo nang sabihin kasabwat din si Gabao na kanilang kontak sa loob ng gun store.
Nakumpiska sa mga suspek ang mga baril na pinaniniwalaang kabilang sa nawawala sa niloobang target shooting center. (Ulat ni Danilo Garcia)