^

Probinsiya

4 kasapi ng 'Gatilyo Gang' tiklo

-
Apat na kalalakihang kasapi ng "Gatilyo Gang" na pinaniniwalaang nanloob sa isang target shooting center at nakapatay sa isang gun smith sa Parañaque City ang nalambat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkakahiwalay na bayan sa Cavite.

Kinilala ni NBI Director Reynaldo Wycoco, ang mga suspek na sina: Jose Armando Cachuela ng #7 P. Zamora St., Naic, Cavite; Benjamin Julian Ibañez Jr. ng #277 Medicion, Imus, Cavite; Melvin Nabilgas ng # 143 Arche St. Poblacion, Calumpit, Bulacan; at Zalday Gabao ng #4821 Paang Bata St., Moonwalk, Parañaque City.

Kasalukuyan naman tinutugis ang dalawang pang suspek na sina: Ariel Tibayan at Lito Dino.

Ang mga suspek ay sangkot sa pamamaslang kay Rex Dorimon, gun smith ng Weapon System Corp. sa Moonwalk, Parañaque City noong Hulyo 25, 2004.

Matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni Atty. Edmund Arugay, hepe ng NBI-NCR, ang pinagkukutaan ng mga suspek ay agad na sinalakay ang naturang lugar noong Agosto 19, 2004.

Sina Melvin at Benjamin ay dinakip sa Imus, Cavite habang si Jose Cahuela naman ay sa Naic, Cavite.

Positibo namang itinuro ni Zaldy Gabao ang tatlong suspek na nanloob sa naturang lugar, subalit binalikan siya ng tatlo nang sabihin kasabwat din si Gabao na kanilang kontak sa loob ng gun store.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga baril na pinaniniwalaang kabilang sa nawawala sa niloobang target shooting center. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARCHE ST. POBLACION

ARIEL TIBAYAN

BENJAMIN JULIAN IBA

CAVITE

DANILO GARCIA

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

EDMUND ARUGAY

GATILYO GANG

JOSE ARMANDO CACHUELA

JOSE CAHUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with