Paslit dinedo ng sariling ina
August 25, 2004 | 12:00am
CAMARINES NORTE Binagsakan ng malaking tipak ng bato sa ulo at namatay ang isang paslit na babae ng sariling ina makaraang mairita ang huli sa kaiiyak ng bata sa kanilang bahay sa Barangay Manguisoc, Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.
Basag ang bungo ng biktimang si Mariel Lopez Imperial, isang taong gulang habang ang suspek na dalagang-ina na nakilalang si Shirley, 19, ng Purok 4 Sitio Kamanggahan ng nabanggit na barangay ay isinuko naman ng kanyang ina sa pulisya.
Napag-alamang ang suspek ay may kapansanan sa pag-iisip at nag-iiyak sa tabi ng kanyang anak matapos na makitang duguan ang bata.
Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Wenslao Q. Vinzon Sr., naitala ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi habang ang bata ay nag-iiyak na nakahiga sa loob ng kanilang bahay.
May teorya naman ang pulisya na nairita ang suspek sa kaiiyak ng kanyang anak kaya kumuha ng malaking tipak ng bato at ibinagsak sa ulo ng bata.
Masusi naman sinisiyasat ng mga tauhan ni P/Chief Inspector Virgilio Dumapias, hepe ng pulisya sa nasabing bayan kung may ibang tao ang gumawa ng krimen maliban sa ina ng biktima. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended