Magsasaka dinedo dahil sa lupa
August 23, 2004 | 12:00am
SAMAL, Bataan May posibilidad na lupaing sinasaka ang naging ugat kaya binaril at napatay ang isang 54-anyos na magsasaka ng nag-iisang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nanonood ng telebisyon sa sariling bahay sa Barangay Imelda, Samal, Bataan kamakalawa. Pinilit na isalba ang buhay ng biktimang si Mario Sombilla, subalit hindi na umabot pa ng buhay sa Orani Emergency Hospital. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Elmer Macapagal, Bataan provincial director, bandang alas-7 ng gabi nang pumasok ang hindi kilalang lalaki at agad na pinaputukan ang biktima na nanonood ng telebisyon kasama ang asawat anak. (Jonie Capalaran)
BULACAN Isang kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa Balagtas municipal jail ang iniulat na nasawi makaraang pumutok sa bibig ang sariling baril na kanyang nililinis habang nagbabantay sa kulungan kamakalawa ng hapon. Walang buhay na bumulagta ang biktimang si Jail Officer 1 Rizaldy Quinzon, 35, may asawa at residente ng Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Ayon sa kasamang jail guard ng biktima na tumangging ibigay ang pangalan, hinihipan ni Quinzon ang barrel ng sariling baril nang biglang pumutok. May paniwala naman ang pulisya na may naiwang bala sa chamber ng baril kaya naganap ang insidente. (Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest