2 tinodas ng senglot na pulis
August 23, 2004 | 12:00am
ILAGAN, Isabela Dalawang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng bagitong kagawad ng pulisya na lango sa alak kamakalawa ng gabi sa bayan ng Naguillan sa lalawigang ito.
Kinasuhan ng double homicide at kasong administratibo ang kinakaharap ngayon ni PO1 Victor Guifaya ng himpilan ng Naguillan police matapos nitong mapatay sina: Eva Mauricio, 37; at Richard Dagdag, 17, kapwa residente ng Barangay Aguinaldo, Naguillan.
Batay sa ulat na ipinarating ni Chief Insp. Pilarito Malillin, naganap ang pamamaril habang papauwi na ang dalawang biktima sakay ng traysikel na minamaneho ni Dagdag patungo sa Cauayan City dakong alas-8 ng gabi sa kahabaan ng Barangay Minallo, Naguillan nang biglang may nag-overtake na owner-type jeep sakay si PO1 Guifaya.
Nang mapatapat na ang owner-type jeep sa traysikel ng mga biktima ay agad na pinaputukan ng senglot na si Guifaya ang dalawa na tumama kay Dagdag bago tumagos naman sa katabi nitong si Mauricio.
Boluntaryo namang sumuko kay Malillin ang suspek na pulis na kanya ring sariling tauhan matapos na maganap ang insidente.
Nagpalabas na rin ng kautusan ni Senior Supt. Napoleon Estilles, provincial police director, na sampahan na kaagad ng summary dismissal proceedings si Guifaya na naghihimas na ngayon ng rehas na bakal. (Ulat ni Victor Martin)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended