Kinilala ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation ang magkapatid na suspek na sina Jimmy Maliksi Paredes at Crisanto Maliksi Paredes; pawang mga residente ng #199 Anabu 2-D Imus, Cavite.
Sa report na nakalap sa tanggapan ni NBI Director Reynaldo Wycoco, dakong alas-7 ng umaga ng salakayin ng kaniyang mga tauhan ang nasabing lugar kung saan nasamsam ang nasabing dami ng shabu.
Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa nasabing lugar kung saan number 1 drug pushers ang magkapatid na Paredes.
Nasamsam rin mula sa magkapatid ang mga shabu paraphernalia at nadiskubre ang maraming kuwarto sa kanilang bahay kung saan diumanoy pinababatak ang kanilang mga adik na kostumer.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang magkapatid na drug pushers na kasalukuyang nakapiit sa NBI Integrated Jail. (Ulat ni Gemma Amargo)