^

Probinsiya

Radio commentator kulong sa indiscriminate firing

-
Vigan City, Ilocos Sur – Kung karamihan sa mga matatapang na radio commentator ay target ng ‘kill plot’, tila nabaligtad naman ito sa karanasan ng isa nilang kasamahan na inaresto ng pulisya matapos makasugat ng isang sibilyan nang walang habas na nagpaputok ng baril sa lungsod na ito kamakalawa.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Mario Subagan, Provincial Police Director ang suspek na si Gil Ballesteros, anchorman ng DZXE radio na kilala sa bansag na Kumander Banat ay dinakip ng kanyang mga tauhan matapos nitong barilin sa leeg si Teody Ayon ng Brgy. Paing, Bantay.

Ayon kay Subagan, nag-ugat ang pamamaril ng suspek matapos na magkaroon ng kaaway ang isang anak ni Ballesteros kung saan nagalit ito, lumabas ng kanilang bahay at agad na nagpaputok ng kanyang armas na isang carbine rifle.

Tinamaan naman sa leeg si Ayon na nagkataong napadaan sa lugar.

Ang suspek ay nadakip ng mga nagrespondeng awtoridad subalit nabigong masamsam mula rito ang kanyang baril na umano’y mabilis nitong naitago.

Si Ballesteros ay kilala sa kanyang walang puknat na pagbatikos kay Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson.

Nabatid pa na palagi rin itong kumakandidato sa eleksiyon subali’t palagi namang talunan. Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa nasabing komentarista. (Ulat ni Myds Supnad)

AYON

GIL BALLESTEROS

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOVERNOR LUIS

KUMANDER BANAT

MARIO SUBAGAN

MYDS SUPNAD

PROVINCIAL POLICE DIRECTOR

SI BALLESTEROS

SR. SUPT

TEODY AYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with