^

Probinsiya

Trike vs trak: 3 patay

-
TAGKAWAYAN, Quezon – Tatlong estudyante ang iniulat na nasawi samantalang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang sumalpok ang traysikel na sinasakyan ng mga biktima sa sinusundang trak sa kahabaan ng Quirino Highway na sakop ng Barangay Rizal sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Kabilang sa kinalawit ni Kamatayan ay nakilalang sina: Ruel Evia, 17, residente ng Brgy. Sta. Cecilia; Paulo Albino, 17, kapwa 1st year college, ng Brgy. Poblacion; at Edmundo Baltazar, 16, 4th year high school, residente rin ng Brgy. Poblacion.

Nasa kritikal na kondisyon sa Tagkawayan Hospital si Alexander Aguila Feria, 8, ng Brgy. Poblacion. Lumilitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Nestor Lantin, dakong alas-6 ng gabi nang bagtasin ng traysikel ang kahabaan ng nasabing highway. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang pumutok ang isa sa gulong ng traysikel at nawalan ito ng kontrol hanggang sa sumalpok sa hulihang bahagi ng sinusundang trak na minamaneho ni Salvador Mercado ng Camarines Sur.Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagkayupi-yupi ang unahan ng traysikel na ikinasawi agad ng mga biktima. Agad namang sumuko ni Salvador sa pulisya matapos ang road mishap. (Ulat ni Tony Sandoval)

ALEXANDER AGUILA FERIA

BARANGAY RIZAL

BRGY

CAMARINES SUR

EDMUNDO BALTAZAR

NESTOR LANTIN

PAULO ALBINO

QUIRINO HIGHWAY

RUEL EVIA

SALVADOR MERCADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with