^

Probinsiya

Bangka tumaob, 2 estudyante nalunod

-
PILILLA, Rizal – Dalawang estudyante ang nasawi makaraang tumaob ang kinalululanang bangka habang papatawid sa Laguna Lake kamakalawa ng gabi sa Brgy. Halayhayin ng bayang ito. Bangkay na nang matagpuan ang mga biktimang sina Erwin Diantoy, 21; at Jeffrey Mendez, pawang estudyante ng Central Colleges of the Philippines (CCP) sa Sta. Mesa, Manila.Ayon kay Rizal Provincial director Sr./Supt. Leocadio Santiago Jr., naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Laguna Lake sa Brgy. Halayhayin ng bayang ito.

Nabatid na pabalik na sa bayan ng Pililla sakay ng tatlong magkakahiwalay na bangka ang labing-isang magkaklase na kinabibilangan ng apat na babae at pitong lalaki galing sa isang picnic. Habang nasa laot ay biglang hinampas ng malakas na alon ang bangkang sinasakyan ng mga biktima na agad tumaob. Nasaklolohan naman ang dalawa pang sakay ng bangka, subalit ang dalawang biktima na kapwa hindi marunong lumangoy ay agad lumubog sa lawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

BRGY

CENTRAL COLLEGES OF THE PHILIPPINES

EDWIN BALASA

ERWIN DIANTOY

HALAYHAYIN

JEFFREY MENDEZ

LAGUNA LAKE

LEOCADIO SANTIAGO JR.

RIZAL PROVINCIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with