Ayon kay FO2 Rodolfo Centeno, arson investigator, nagsimulang kumalat ang apoy dakong ala-1:20 ng madaling-araw at wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog.
Sinabi ni Centeno na sinadyang sunugin ang naturang opisina dahil sa nakitang mga botelya ng crude oil na nagkalat matapos na maapula ang apoy.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsimula ang apoy mula sa kabinet ng opisina na kung saan nakalagay ang mga record. Hindi naman nagbigay ng detalye ang mga awtoridad habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon. (Ulat ni Ramil Bajo)