^

Probinsiya

PAL office sinunog

-
KORONADAL CITY – May posibilidad na sinadyang sunugin ang opisina ng Philippine Airlines ng mga hindi kilalang lalaki sa Alunan Avenue sa lungsod na ito kamakalawa ng madaling-araw.

Ayon kay FO2 Rodolfo Centeno, arson investigator, nagsimulang kumalat ang apoy dakong ala-1:20 ng madaling-araw at wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog.

Sinabi ni Centeno na sinadyang sunugin ang naturang opisina dahil sa nakitang mga botelya ng crude oil na nagkalat matapos na maapula ang apoy.

Sa inisyal na pagsisiyasat, nagsimula ang apoy mula sa kabinet ng opisina na kung saan nakalagay ang mga record. Hindi naman nagbigay ng detalye ang mga awtoridad habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon. (Ulat ni Ramil Bajo)

vuukle comment

ALUNAN AVENUE

APOY

AYON

CENTENO

PHILIPPINE AIRLINES

RAMIL BAJO

RODOLFO CENTENO

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with