^

Probinsiya

Adik nasa likod ng 2 rape-slay

-
CAMP CRAME – Pinaniniwalaan na isang binatilyong adik sa droga ang nasa likod ng brutal na rape-slay ng dalawang menor-de-edad na babae sa naganap na karahasan sa Sitio Napo Barangay Sta. Ana, Barili, Cebu may ilang araw na ang nakalilipas.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, tinukoy ni P/Senior Insp. Ernesto Yongco na isang 16-anyos na lalaki na itinago sa pangalang Ariel, ang pangunahing suspek sa pagpatay at panghahalay kina Analyn Jaroy, 13; at Maria Mae, apat-na-taong gulang.

Ang mga biktima ay nagtamo ng 29 na saksak ng patalim ang una at 26 naman ang ikalawang bata.

Base sa imbestigasyon, ang suspek ay natukoy matapos na marekober ng pulisya ang naiwan nitong duguang brief at t-shirt sa pinangyarihan ng krimen.

Unang namataan ang bangkay ni Maria Mae sa paanan ng burol noong Linggo may 100 metro ang layo mula sa kanilang bahay habang si Analyn naman ay nakabulagta sa gilid ng ilog.

Napatunayang kapwa ginahasa ang mga biktima base na rin sa pagsusuri ni Dr. Divinagracia Cawiling ng Rural Health Center sa bayan ng Barili, Cebu. (Ulat ni Joy Cantos)

ANALYN JAROY

BARILI

CAMP CRAME

CEBU

DR. DIVINAGRACIA CAWILING

ERNESTO YONGCO

JOY CANTOS

MARIA MAE

RURAL HEALTH CENTER

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with